Coin Operated Boy

A blog of my adventures and misadventures in life...

Thursday, September 15, 2005

ang kawawang peyups.......bow?!

Kung kayo ay member ng yahoo groups ng bobongpinoy, malamang nakita nyo na ang thread na ito. Ito ay tungkol sa problema sa kakulangan (kulang, sira) sa facilities ng mahal naming alma mater, PUP of course. Isang post dito ang nakatawag talaga sa attention ko, kasi usuallly observer mode lang ako sa group na to, pero itong thread na to ewan ko ba pinatulan ko kasi syempre galing ako dito e. Isang group member ang naglitanya ng mga problema ng school... Nagbabahang 6th floor, mabahong cr, mabahong salamin sa cr, panay absent na teacher, 1:n na ratio sa computer and a lot more na di ko na maalala. Since hindi ako mapakali hangga't di ko nasasabi ung opinyon ko, nagpost ako dito for the first time.. Eto ung excerpts sa post ko:

pre what do you expect from a school that charges you less than a thousand pesos for the whole semester? Kanya-kanyang diskarte lang yan e.. Nababahuan ka sa cr? bakit di mo i-try ung sa southwing o kaya sa gym? Amoy laway ung salamin? In the first place bakit mo ba inamoy? Pero agree ako sayo ung sa 6th floor nauuna pang bahain kesa sa ground flr kapag naulan.. Nawawalan naman ng klase pag ganun db? Kahit saang school naman may drawbacks e, like sa CEU(and other schools sa U-Belt) ung maya-mayang rally sa tapat nila, sa UST ung madalas na pagbaha, and others. We should be thankful na may university na nandyan to give us QUALITY EDUCATION even with a very limited resources. So pre instead of complaining you should help yourself para pag successful at mayaman ka na, help the university.

Payong kabobo lang po... :-)


Ayun.. After ko mag-post gumaan na loob ko.. Pero nag-retaliate pa ung sinagot ko sa post na yan tsaka may mga taga UP pa na nakisali kesyo we are using ung monicker nila (Peyups) at sabay banat na mas magagaling at matatalino sila.. Hay..Bukod sa Out of the topic na, nakakainis pa kasi nangdo-downsize sila ng ibang tao.. Pero hindi ko na sila pinatulan, OA na e tsaka natauhan ako sa quote na to: "Never argue with idiots, they'll take you down to their level and beat you with experience." Basta ako thankful na may school kagaya ng PUP, or else siguro isa na din ako sa mga pasanin ng gobyerno ngayon.

Till next time :-D

3 Comments:

  • At 5:46 PM, Blogger Nicely said…

    Hala may nagalit yatang isang Isko sau! Lagot!

     
  • At 11:02 AM, Blogger CoB said…

    nicely,
    nagpapanggap lang na UP boy un.. Kaw taga UP ka db? Peace tayo :-)

    mildred,
    wow ganda naman ng bisita ko sa blog.. Pag ganyan ang nurse ko di nako gagaling hehe...

     
  • At 2:26 PM, Blogger Nicely said…

    hehehe! taga-peyups ako. sige, ok lang... di ko naman pagmamay-ari un eh.

     

Post a Comment

<< Home