Coin Operated Boy

A blog of my adventures and misadventures in life...

Wednesday, January 25, 2006

On PacMan, Ricardo Cepeda and MMDA Traffic Aides

hay sobrang busy pero kelangan magblog pam-paalis ng pressure hehe... at kelangan sa Pilipino para ramdam ng todo ang emosyon :-)

Ok first, about kay Pacman: Maiksi nalng to since medyo gasgas na balita na to e. Isang MALAKING CONGRATS sayo mamen, iba ka talaga!! Mas gwapo ka na ngayon kay Morales hehe.... Kidding aside, you made Filipinos proud talaga.. Payo lang, retire ka while you are at your peak form, parang ginawa ni Jordan dati sa Bulls. Wag kna gumaya sa ibang boksingero na palaos na lumalaban pa din bukod sa kawawa kna, panget pa ng memories na iiwan mo sa tao. Ah syet asang mababasa mo to hehe...

"I told you, I told you, I will beat him.." - Manny Pacquiao


Next, about Ricardo Cepeda: last night after namen maglaro ng Yuri's revenge ni Marco ay nagkayaan na kaming umuwi, so ayun pagbaba namen nampucha ang lakas pla ng ulan, e kagagaling ko lang sa sakit (dahil sakitin ako ubo ubo...) at si Marco ay may sakit din (dahil mas sakitin sya hehe..) so di kami lumusong(?) sa ulan. Pwede akong umakyat ulit sa unit para kunin ung payong kong kahit sira e nakakasalag pa naman ng ulan pero mas madami pa sa mga taong sasakay ng MRT ung nag-aantay ng elevator, sira NA NAMAN kasi ung isa dun. So ang nangyari, nag dinner na muna kami sa foodcourt ng Bur***dy baka sakaling tumila na ung ulan pagtapos namen kumain. So un (asan na si Ricardo Cepeda?) lamon, kwento-kwento, tawanan, nood ng TV. Tapos, sa may canteen na di naman kasarapan ang tinda kaya di kami naorder dun e yun nga nakita namen si Ricardo Cepeda. Pagkaorder niya, umupo siya sa may harap namen, nung umpisa di naman sya napapansin ng mga tao (baka di na sikat ganun) pero nung may nakakakilala na haha nakakatawa ung iba pasimple pa tumingin e lalo na ung mga waitress... Nakakailang nga e kasi titingin muna kay Ricardo tapos mapapatingin saken ganun.. :-) So yun, after a while nagdecide na din kaming umalis kasi mamaya Wow Mali un e, e pucha asa likuran nya lang kami yoko ata mapaTV ng time na un panget ng suot ko hehe...

Last but definitely not the least, MMDA traffic aides: Syempre tumila na nga ung ulan, so umuwi na kami. I took the Ayala route not the usual na dinadaan ko kasi alam ko bahain dun e. So ayun, hirap sumakay ng bus pero nakasakay din. Habang binabaybay ng bus ang malulupit na pink fences sa may Ayala-SM e may kumatok na MMDA TRAFFIC AID. Ano pa, e di syempre nangongotong.. Tang*n* talaga! Nagbigay naman ung konduktor, as I've heard 40 Php binigay niya. After several meters plang nakakalagpas, meron na namang nakatok na MMDA TRAFFIC AID. Nampucha talaga!! Sabi ng driver dun sa MMDA TRAFFIC AID na kabibigay lang dun sa isang kasama niya. Di pumayag, tapos nagalit pa, hiningi ung lisensya nung driver. So to the rescue naman ung kundoktor sa kanya, kinausap ung MMDA TRAFFIC AID. So un, nagkaayos, bumiyahe na ulit kame. Habang naniningil ung konduktor na pasahe, ayun narinig ko kung magkano nya naayos ung paksyet na MMDA TRAFFIC AID na un. Php100 pesos! Langya talaga ginagawa nilang gatasan ung mga bus driver/conductor. Tsaka pucha ang kakapal ng mukha nila, kahit may nakakakita sa kanilang mga tao tuloy pa rin sila sa pangongotong. May balak yatang magsilabas sa TV tong mga to e. Sarap pikturan (lowbat ako kainis) at ipadala sa Tulfo brothers para maaksyonan hehe.. Kaya siguro mainit si Mayor Binay sa MMDA e gawa ng mga gaya nito e.

Message ko dun sa dalawang MMDA TRAFFIC AIDS tsaka sa mga katulad nila:
GOD BLESS YOU, SANA WALANG MANGYARING MASAMA SA ANAK NYONG BABAE.

Cia0... :-)

3 Comments:

  • At 7:02 AM, Blogger Ka Uro said…

    next time kunan mo ng picture yung mga nangongotong at ipadala dito http://huli-ka.blogspot.com/

     
  • At 8:34 AM, Blogger SarubeSan said…

    pag ako umuwi ng pilipinas, di ako mag aatubiling sigawan yang mga buwaya na yan! hehehe

     
  • At 6:55 PM, Blogger yayam said…

    grabe naman!! 100??! sobra na ata yan..langya naman..

     

Post a Comment

<< Home