Baon Mode
Recently lang, nag start ako magbaon. Wala lang, for a change ika nga. Dati, kahit noong estudyante blues pako, ayaw na ayaw ko magbaon, kasi:
* Nakakahiya sa mga kasama mo. Iisipin nila pinagbabaon ka pa ng parents mo. Parang di ka-"in" pag nakabaon ka.
* Di na mainit ang pagkain.
* Tamad akong maghugas ng baunan.
* Wala akong maibaon. tanghali na magsigising tao samen, so wlang nagluluto sa madaling salita.
E ngayon, bigla ko lang naisipan, kasi may microwave na sa office (wow improving klap! klap!), tapos nauso na din ang mga microwable food containers (microwavable=disposable, so wala ng hugasan yahoo!!) . Pero, ang pinaka-pinaka reason bakit ako nagbabaon. Simple. Gusto ko magtipid e, feeling ko isa to sa mga paraan para makaipon. Tsaka daming gastos this past months, kelangang makabawi muna :-)
I also received this forwarded mail recently. May punto siya ha..
Ako ay isang middle class Pinoy, isang officer sa isang malaking korporasyon at
may asawa...dalawa anak. Di na importante pangalan ko kasi parepareho naman
tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti tapos uwi sa pamilya, laruin
si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na,pag wala na pera intay nalang ng
sweldo.
Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay maingay at
naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys ang di
naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito. Pag may mga
gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham ko sa lahat ng
maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na pag-iisip.
Sa Mga Politiko:
Diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo makuntento
kelangan nyo pa ba manggulo.
Sa Administrasyon:
Hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon, pruweba dito
e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya sana naman gantihan
nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno at malaking bawas sa
kurakot naman please para kahit papano maramdaman naman namin na may
napupuntahan ang binabayad naming buwis.
Saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007, tignan mo,
i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo, resounding YES yan
sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power laban sayo. Try mo
lang.........
Sa Oposisyon:
Di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa inyo....isa
ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na reporter na parang
naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate.
Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon, pumili muna kayo
ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon. Hirap sa inyo paresign
kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos. Advise lang galing sa isang
middle-class na syang tunay na puwersa sa likod ng lahat ng matagumpay na
People Power, magpakita muna kayo ng galing bago nyo batuhin ang
administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi reklamo, e wala naman
kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong batang lagi na lang naaagawan ng
laruan.....GROW UP naman...sa isip sa salita at sa gawa.
Please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga bayaran na
mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga rallyista para
maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag nagrarally kayo yakapin nyo
nga at halikan yang mga kasama nyong nagrarally!! Nung People Power namin
nagyayakapan kami lahat nuon.
Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang
middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang mga
rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan. Kung gusto
nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na kami e, sori
ha.
Sa Military:
Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus na
patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo ba sila
nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....yan dapat ang
sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di kayang
maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang nakakaintindi
ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military ng lahat ng bansa.
Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo.
Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great responsibility".....kaya
maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang
natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami
wala.
Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa e, may
bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman silang email.
Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email nalang tayo kaya
ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa nito at
makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.
Signed,
Isang Middle-Class Pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng Buwis!
Last na lang. Amp blogger.com, may auto-save pla. Wala naman akong balak magpalit ng template, e napagtripan ko lang magtry ng iba, pero di ko sinave, lalo ng pinublish ung changes. Aba nagbago! ayan, nawala tuloy ung kokonti kong mods sa design hehe.. dibale, update ko nalng pag sinipag... pag..
Workmode muna..

5 Comments:
At 10:56 AM, marcobain said…
wala na bang ibang reason kung bakit ka nagbabaon..? yun lang ba talaga? pag ako nagbaon alam mo na reason
At 9:55 PM, vaN said…
hi kuya francis!
i, too, was once shy about my baon. but now i say, "so what?"
anyway, long time na talaga i haven't been here kasi orange na layee mo. ^_^
At 10:00 AM, yayam said…
noon ayoko rin magbaon. pero reality check - mahal na pagkain ngayon kaya kelangan mgasave. and marami naman nagbabaon sa amin so one big happy family kami pag lunch. ;)
At 8:22 AM, velvet said…
hehehe... ako rin ayaw magbaon nung hi-sch kasi malamig pag lunch, e makulit c mama pinagbabaon pa rin ako... kaya pag AM brek 'yung lunch ang kinakain ko
at pag lunch na... hingi n lng ako sa barkada... hihihi
At 11:45 AM, Ka Uro said…
ako nagbabaon kasi kasi tamad akong lumabas para bumili ng pagkain. baon ko sandwich lang at fruits.
Post a Comment
<< Home