Thursday, June 30, 2005
Thursday, June 16, 2005
Blogged...
Haaayy.. First non-image post ko 'to, tragic pa.. My grandmother, Maxima Macapagal, or simply "Lola Ima" passed away last night. Hirap, first time ko namatayan ng sobrang close sakin. Nung una di ako naniniwala, vinerify kpa. Pero nung sure na, wow, tulala talaga ako. Ganun pla feeling nun no, para kang biglang naging kawawa na feeling mo may galit sa'yo ang diyos. It took a while bago ako nakapag isip-isip. Nasabi ko na lang sa sarili ko, siguro its for her good na din yun para di na sya maghihirap. Ang dami kong nadidinig na stories about her before she died, ung tipong nakakadepress talaga na para bang di siya satisfied sa mga last days niya sa mundong ibabaw. If only I know na malapit na siyang kunin ni Lord, e di sana.. ganito, ganun ginawa ko. Pero reality check, di natin alam exactly kung kelan tayo susunduin e. Tama din ung saying na mare-realize mo lang ung worth ng isang tao pag wla na siya. Depressing, but true. Anu-ano ma mi-miss ko sa lola ko ngayong wla na siya, eto:
- Wala ng magtatanong sakin ng "O ba't nandito ka pa wla ka bang pasok?"
- Wala ng magbabawal sakin tumapat sa electric fan pagkatapos magbasketball.
- Wala ng magtatanong sakin ng "O kumain ka na ba?" at magpapayo ng "Matulog ka ng maaga wag ka magpuyat."
- Wala nakong ipag-gogrocery every payday.
- Wala ng nakadungaw sa mga taong paakyat sa hagdanan ng bahay nila.
- Noong mahilig pa siyang manood ng tv, lagi niyang dala-dala ung remote control. Naiinis kasi yun kapag laging nililipat sa ibang channel e hehe...
- Tissue rolls, Johnson's band-aid alcohol, Australian Oats, Bear Brand -> laging kasama sa listahan ng pinabibili nya.
- Wala ng magsasabi sakin/samen ni peach ng "Wag muna kayong mag-aasawa ha!". Wla ding nangyari sinuway din namen hehe..
- Saging -> hilig niya dito
- Banana Q -> favorite meryenda namen nung college pako at tambay pa sa bahay niya.
- Siya ang nagpush sameng magkapatid na mag-aral mag rosary. Simpleng bagay no, pero proud ako. At least kahit di ako ganun ka bait marunong akong magdasal hehe...
- At madami pa... :(