Coin Operated Boy

A blog of my adventures and misadventures in life...

Thursday, August 25, 2005

Bad Day

I hate this day... ang sama ng pakiramdam ko badtrip!! Ang sakit ng braso/chest ko since tuesday pa, tapos nadagdag pa lalamunan ko.. Para pakong lalagnatin.. Kung kelan ako nag-start uminom ng Clusivol tsaka pa ako nagkakasakit.. Ano ba to gaguhan?

Nalilito ako.. basta.. May gusto akong gawin, a though decision to make.

I saw this quote from a friend, Manuel: "Nobody dies a virgin ... eventually life screw us all."." Syet di na nga ako virgin ini-iscrew parin ako... Rape na to hehe..

Naiinis nako sa pinoprogram ko... HMP!! Taena bayad-bayad pa ng support sa intel di naman nila masagot ung tanong ko..

Friday, August 19, 2005

Resume Update and others

Our COO asked me to give her a copy of my latest resume on Monday. Puzzled, I asked why... She said it will be for accreditation purposes since PLDT require us to submit resumes of 3 IT people working on our company. What a coincidence.. Kasi binabalak ko na talaga mag update ng resume e, ngayon magiging legal pa.. meaning makakapag-update ako ng resume WITHIN OFFICE HOURS ng wlang sisita sakin o wala akong pagtataguan.. Hahahaha!!! That's Life.

Etong week na ito ay kakaiba.. Sa more than a year ko sa DiaVox ngayon ko lang na-experience ito... WALA AKONG GINAGAWA FOR TWO DAYS!! Syet noon halos nalilito nako sa dami ng ginagawa ngayon wla kahit isa.. Nangyayari din pla un hehe.. Sana sa lunes meron na kakatamad din pla wlang ginagawa.

Napasali na din ako sa Prepaid Pinoy reloading business ni Marhgil. Nagtry kami ng 1000 worth of credits tas pinaretail ko sa bebe ko since di naman sya kasing-BUSY ko hehe.. Ayun, hit ata.. paubos na ung credits in less than two days. Maganda bang business? Nakakalibang.. :D

Yun lang! :D

Wednesday, August 17, 2005

Morning Rituals

Sa umaga pagdating nyo sa office nagta-trabaho na ba kagad kayo? Ows c'mon syempre hindi pa no? Ako nga usually after lunch pa mag-start hehe... Usually, eto ginagawa ko early in the morning:
  • Magkakape - kahit nagbreakfast nako sa bahay Ewan ko ba parang kulang araw ko hangga't di ako nakaka 3 cups ng kape. Tsaka palipas oras na din.
  • Check official mails - para malaman ko kung may madadagdag sa nakaskedyul kong gagawin sa araw na un.
  • Check unofficial mails - to keep in touch with Lina, BobongPinoy and ung so called "circle of friends", mga taong ini-email na ata lahat ng nasa address book nila ng kung anu-ano: chain letters, porn pics (eto ok lang hahaha!!), kwento-kwento, dasal, donations, sari-saring IQ tests (eto ok, kakachallenge lalo n sa kagaya kong mababa ang IQ) at marami pa.
  • visit NBA website - basketball fanatic ako e, lalo na NBA. So I make sure na alam ko ung latest news, trades, etc para cool.
  • visit Marhgil's Kukote - ang blogsite ng pamosong si Marhgil, funny yet educational. Lahat ng post may sense (meron nga ba? haha!!)
  • visit Shortarmguy - pucha nung unang visit ko dito naubos ata ung isang araw ko kakabrowse.. Nakakatawa talaga e. Pero usually once a week lang ang update niya.
  • visit Inq7.net, kahit nakanood nako ng unang hirit
  • Maghahanap ng makaka-chat sa YM at makikipagkulitan hanggang mag lunch.
  • Mang-aasar ng kaopismate.
  • Bloghop kila SomethingUndefined and MarcoBain pero madalang mag-update itong dalawang to parang ako hehe..
Matatapos ko lahat yan, siguro 30 mins nlang lunch na hehe... Kayo anong daily morning ritual nyo?

Monday, August 08, 2005

On Nina, classmate, etc.

Last Sunday, nahiritan ako ng aking inay na mag-grocery. Since ipinaglaba niya naman ako ng damit ko for two weeks, pumayag ako. So punta kami ng landmark, e under renovation kakatamad so nagdecide kami na lumipat sa SM Makati. Along da way, nakakita ng sandals sa Rusty Lopez, nagpabili ako naman parang nahypnotize na sumusunod lang hehe.. Pagdating namen ng SM, nakita ko un signages ni Nina(Live!). Tapos na ata ung mini-concert, autograph signing nlang. Since matagal ko ng gustong makita si Nina sa personal (cute kasi e mahilig ako sa maliliit e), naki-usyoso ako. Ayun nakita ko rin siya in-person, pucha ang ganda!!!! Syet na-inlab na naman ata ako... Pero yoko lang ung makeup niya, masyado ng makapal mukha na syang japanese doll hehe.. Pipila sana ako for authograph kaso wala naman akong dalang cd o poster o sanitary napkin nya e kaya hindi nlang.. Di ko rin cya nakunan ng pic kasi lowtech ung camera ng 6230 e madi-dissappoint lang ako. So nagkasya nlang ako sa pagtitig sa cute niyang mukha hehe..

Tapos sa loob ng hypermart, unfortunately nakita ko ung 1 classmate ko nung highschool. Ayun, kwentu-kwento, balita.. Hanggang sa nalaman ko nlang na may chismis pla na kumakalat tungkol sakin/samen ng bebe ko. Nabalitaan niya DAW nung umattend cla ng bday ng isa pa nameng classmate. FUCKin' syet naman, kung wla kayong magawa make fun of yourselves ha wag nyo kami idamay.. Ang pagchi-chismis para sa mga matatanda lang yan.. Kung nainggit kayo sakin/samen, well mamatay kayo sa inggit hehehe... Wala akong idea kung kanino nag-start ung chismis... pero malamang bitter lang un haha!!!


Yun lang :D

Wednesday, August 03, 2005

Long time, no post

More than a week nako dito sa Manila, pero ngayon lang me nakapag-update ng blog.. Istorbo talaga sa pagbo-blog ang trabaho e itigil ko na kya? joke.. I just posted some pics na nakuha ko dun, kakatamad mag-scan e... e underwater cam dala ko di digital (wla pa kasi ako nun hehe...) See images below.

sarap magrelax... Posted by Picasa

whitesand :D Posted by Picasa

topview ng islands Posted by Picasa

endangered na ata satin, sa kanila ang dami pa! Posted by Picasa

ganda-ganda!! Posted by Picasa