Coin Operated Boy

A blog of my adventures and misadventures in life...

Thursday, September 29, 2005

PUP CCMIT help help!!


Ikaw.. Oo ikaw.. Graduate ka ba ng PUP-CCMIT? Kung ganoon, kailangan ng college ang tulong mo. Basahin mo ito.
Kontakin mo nalang ung specified na email address sa letter. Huwag ka sakin magbigay ng pera baka magastos ko hehe..

PeaceOut!!

Tuesday, September 27, 2005

HS Barkada


(from left to right: Manuel, Jay, Francis (ako!!) and Chris)

Last Saturday, after months of planning (ganun kahirap sila yayain) ay lumabas kaming ilan sa magto-tropa ng highschool. Wala na kasi kaming contact sa iba e.. Mga artistahin na hirap na yayain hehehe... So yun, kwentuhang umaatikabo, inom, tawanan hahaha.... Dami na ding nagbago, nagka-aminan ng sikreto, nagkulitan at syempre kinawawa ako sa pamamagitan ng pagyurak sa pagkatao ko.. Di ako makabawi kasama ko kasi ang bebe ko at wla akong laban sa kanila argh... Eto lang naobserbahan ko sa kanila:


Jay (Paje)- Hehe bilib ako, parang happy go lucky pa din kahit mag-dadalawa na ang anak. Pero deep inside alam ko na responsible father to. Husband ewan ko lang nyahahaha...

Manuel (Manoy)- Syet napakatahimik at misteryoso pa rin sa personal pero pag sa YM kala mo si Xerex Xaviera kausap mo hahaha!!!

Chris - kakaiba... I admire the way he takes life easily. Parang walang pressure. Ayun komedyante pa rin ng grupo, pero may seriousness side na din na dati ay wala.

Sa inyo guys, goodluck sa career and till we meet again.. Next month ata yung next meet natin hehe.. Noy, kung ano man problema mo mag-share ka naman wag mo sarilinin hehehe.. What are friends for?

Tuesday, September 20, 2005

Where is the "Pinoy" in Pinoy Big Brother?

Di ko magets.. ano ba ung essence ng Pinoy dun sa Pinoy Big Brother? Anong specific pinoy value(s) ang pino-project dun? pakipaliwanag naman sakin please...

Thursday, September 15, 2005

ang kawawang peyups.......bow?!

Kung kayo ay member ng yahoo groups ng bobongpinoy, malamang nakita nyo na ang thread na ito. Ito ay tungkol sa problema sa kakulangan (kulang, sira) sa facilities ng mahal naming alma mater, PUP of course. Isang post dito ang nakatawag talaga sa attention ko, kasi usuallly observer mode lang ako sa group na to, pero itong thread na to ewan ko ba pinatulan ko kasi syempre galing ako dito e. Isang group member ang naglitanya ng mga problema ng school... Nagbabahang 6th floor, mabahong cr, mabahong salamin sa cr, panay absent na teacher, 1:n na ratio sa computer and a lot more na di ko na maalala. Since hindi ako mapakali hangga't di ko nasasabi ung opinyon ko, nagpost ako dito for the first time.. Eto ung excerpts sa post ko:

pre what do you expect from a school that charges you less than a thousand pesos for the whole semester? Kanya-kanyang diskarte lang yan e.. Nababahuan ka sa cr? bakit di mo i-try ung sa southwing o kaya sa gym? Amoy laway ung salamin? In the first place bakit mo ba inamoy? Pero agree ako sayo ung sa 6th floor nauuna pang bahain kesa sa ground flr kapag naulan.. Nawawalan naman ng klase pag ganun db? Kahit saang school naman may drawbacks e, like sa CEU(and other schools sa U-Belt) ung maya-mayang rally sa tapat nila, sa UST ung madalas na pagbaha, and others. We should be thankful na may university na nandyan to give us QUALITY EDUCATION even with a very limited resources. So pre instead of complaining you should help yourself para pag successful at mayaman ka na, help the university.

Payong kabobo lang po... :-)


Ayun.. After ko mag-post gumaan na loob ko.. Pero nag-retaliate pa ung sinagot ko sa post na yan tsaka may mga taga UP pa na nakisali kesyo we are using ung monicker nila (Peyups) at sabay banat na mas magagaling at matatalino sila.. Hay..Bukod sa Out of the topic na, nakakainis pa kasi nangdo-downsize sila ng ibang tao.. Pero hindi ko na sila pinatulan, OA na e tsaka natauhan ako sa quote na to: "Never argue with idiots, they'll take you down to their level and beat you with experience." Basta ako thankful na may school kagaya ng PUP, or else siguro isa na din ako sa mga pasanin ng gobyerno ngayon.

Till next time :-D